Leron Leron Sinta
Leron leron sinta puno ng papaya dala-dala'y buslo sisidlan ng bunga pagdating sa dulo nabali ang sanga kapos kapalaran humanap ng iba. Ako'y ibigin mo lalaking matapang hindi natatakot sa baril-barilan ang baril ko'y pito ang sundang ko'y siyam isang pinggang pansit ang aking kalaban.
Bahay Kubo
Bahay kubo, kahit munti, ang halaman duon ay sari-sari. Singkamas at talong, sigarilyas at mani. Sitaw, bataw, patani. Kundol, patola, upo't kalabasa. At saka meron pa, labanos, mustasa. Sibuyas, kamatis, bawang at luya. Sa paligid-ligid ay puno ng linga.
Tong Tong Tong Tong Pakitong-Kitong
Tong, tong, tong, tong pakitong-kitong alimango sa dagat malaki at masarap! Kay hirap hulihin sapagkat nangangagat. Tong, tong, tong, tong pakitong-kitong.
Magtanim Ay Di Biro
Magtanim ay di biro maghapong nakayuko di naman makatayo di naman makaupo. Bisig ko'y namamanhid baywang ko'y nangangawit. Binti ko'y namimintig sa pagkababad sa tubig. Kay-pagkasawing-palad ng inianak sa hirap, ang bisig kung di iunat, di kumita ng pilak. Sa umagang pagkagising lahat ay iisipin kung saan may patanim may masarap na pagkain. Halina, halina, mga kaliyag, tayo'y magsipag-unat-unat. Magpanibago tayo ng lakas para sa araw ng bukas.
- Leron leron sinta buko ng papaya
- Dala dala'y buslo sisidlan ng bunga
- Pagdating sa dulo nabali ang sanga
- Kapus kapalaran humanap ng iba.
Paru-Parong Bukid
Paruparong bukid na lilipad-lipad sa gitna ng daan papagapagaspas. Isang bara ang tapis. Isang dangkal ang manggas. Ang sayang de kola. Isang piyesa ang sayad. May payneta pa siya -- uy! May suklay pa mandin -- uy! Nagwas de-ohetes ang palalabasin. Haharap sa altar at mananalamin at saka lalakad na pakendeng-kendeng.
Sitsiritsit
Sitsiritsit, alibangbang salaginto at salagubang ang babae sa lansangan kung gumiri'y parang tandang. Santo Nino sa Pandakan putoseko sa tindahan kung ayaw mong magpautang uubusin ka ng langgam mama, mama, namamangka pasakayin yaring bata. Pagdating sa Maynila ipagpalit ng manika. Ale, ale, namamayong pasukubin yaring sanggol. Pagdating sa Malabon ipagpalit ng bagoong.
Aking Bituin
O, ilaw, sa gabing malamig wangis mo'y bituin sa langit. O, tanglaw, sa gabing tahimik larawan mo, Neneng, nagbigay pasakit. Ay! Gising at magbangon sa pagkagupiling sa pagkakatulog na lubhang mahimbing. Buksan ang bintana at ako'y dungawin nang mapagtanto mo ang tunay kong pagdaing.
Sa Libis Ng Nayon
Kahit na gabing madilim sa libis ng nayon taginting nitong kudyapi ay isang himatong maligaya ang panahon sa lahat ng naroroon bawa't puso'y tumutugon sa nilalayon. Puno ng kawayan ay naglangitngitan lalo na kung hipan ng hanging amihan ang katahimikan nitong kaparangan pinukaw na tunay nitong kasayahan. Kung ang hanap mo ay ligaya sa buhay sa libis ng nayon doon manirahan taga-bukid man may gintong kalooban, kayamanan at dangal ng kabukiran.